Title: Ang galing! Post by: lila_and_mom on August 12, 2008, 05:34:07 PM Hello Sa Lahat na Pinoy sa BrillKids!
Natuwa ako nung nakita ko na may Tagalog option sa foreign langage forum ng site na ito. Ang galing! Ako nga pala si larz. Ang anak ko ay 14 months old na. Ang pangalan nya ay Lila. Sobrang excited ako sa Brillkids dahil mas madali syang gamitin kesa sa mag download pa ako ng tig isa isang picture para sa slideshow na ginagawa ko para sa baby ko. PLus mas maganda dahil pwedeng mag add ng sounds at words at kung anu ano pa. :biggrin: Sana mas marami pang Pilipino ang mag register dito upang maturuan ang mga anak nila habang baby pa. Nakakatuwa!!! :D Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 13, 2008, 05:00:02 PM Kamusta Larz! :)
Nung nakita ko kasi tong Brillbaby/ Brillkids na site, napansin ko ang ganda pala ng programa nila! :) Matagal na kasi akong naghahanap ng ganitong website na makakatulong para mas maging epektibo ang pagtuturo ko sa aming anak. Kaya nung sumali ako dito, nagrekwest ako sa mga moderators kung pwede din silang maglagay ng Board para sa Filipino/Tagalog para magkaron din tayo ng sarili natin. Para malaman din kung dumadami na rin ang mga Pinoy ditong nagrerehistro :) Yun nga lang, mas pamilyar yata sila sa Tagalog bilang tawag sa wika natin, kaya "Tagalog" ang pinangalan nila sa board. Sana nga kahit matapos na ang Beta Testing nila, pwde pa rin natin itong gamitin ano? Kasi ang sabi nila pag natapos na yun, bibilhin mo na yung buong license :( Taga saan ka ba satin? Ako dito sa Cubao :) O sige, dito na muna... Ingat! PS: Ngayon ko lang napansin, ang hirap pala no pag purong Tagalog ang gagamitin hehe! Nasanay na kasi tayong mag Taglish... Isa pa, yung ibang salita sa english, walang translation sa atin gaya ng website, slideshow, download, moderators, etc. Yung spelling na lang babaybayin mo sa Tagalog. Hay naku, nagiging westernized na talaga ang wika naten! Gosh! :D Title: Re: Ang galing! Post by: lila_and_mom on August 14, 2008, 07:08:36 AM hello again!
Oo nga. Natutuwa ako sa site na to at sa software nila. Tama nga sana kahit tapos na ang Beta testing phase nila, yung mga sumali sa Beta testing -- pag bigyan na nilang magamit yung software for free! hahaha! sigurado ako mahal yun baka hindi ko kaya. :( Taga Iloilo pala ako. Dito ako pinanganak at dito rin nag aral. Pagkatapos nag college nagtrabaho ako sa Cebu mga 2 taon. Pero bumalik ako sa iloilo para isilang yung anak ko kase andito yung pamilya ko. Mahirap na pag walang katulong sa pag bantay sa anak. First time mom pa naman ako. hehe... ano nga pa la yung lessons mo sa baby mo ngayon? gustong gusto ko sana mag start sa Doman's Math para kay Lila kase 14 months old na sya. Kaso hindi ko alam yung process. nagtatanong nga ako sa kanila sa ibang forum discussions. oh sya, hanggang dito na lng muna. keep posting! :) Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 14, 2008, 03:44:25 PM Hi Larz! :)
Oo nga siguradong mahal na to pag kailangan ng bilhin yung license nila. Kakalunglot na kung sakali kasi ang ganda pa naman sana dito. Pwera sa mga pwede mong ituro sa mga bata, may forums pa na pwedeng magshare ang mga magulang ng kahit ano kahit di na related sa Brillbaby. Sana ang gawin na lang nila, yung mga nagregister before matapos yung testing nila, may libreng access na sa software nila hehe! Ako din e first time Mom. 6mos old boy ang baby ko. Makulit na nga e tska madaldal na rin hehe! Yung flashcards pa lang ang nagamit ko sa kanya. Di ko pa natry yung Doman's Math. Di pa rin ako familiar dun. May feedbacks na ba sila sa mga questions mo regarding this? Kung sakali, share mo din sa kin ha, lalo na pag natry mo na sa baby mo :) Ok, dito na uli... Kamusta sa family mo! God bless! :) Title: Re: Ang galing! Post by: lila_and_mom on August 14, 2008, 05:15:06 PM hello again --
yep.. they posted this thread a while back and its very very helpful. its a summary of the doman method. maganda sya kase parang linagay talaga yung instructions. try ko nga starting next week siguro. gusto kong ihanda yung teaching material before ko simulan so mag dadownload na naman ako ng mga pictures ng mga salita na gusto kong ma learn ni baby.. eto na nga pala yung thread: http://forum.brillkids.com/general-discussion-b5/gentle-revolution-and-glenn-doman%27s-method/ (http://forum.brillkids.com/general-discussion-b5/gentle-revolution-and-glenn-doman%27s-method/) san mo nga pala nakuha yung parang calendar ni eliam na nag papakita kung ilang taon na sya? ang cute! gusto ko rin nyan mare... hehe :D Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 15, 2008, 11:30:18 AM Hehe! un iba din Moms dito nagsend ng PM sa kin e, asking kung saan at pano ko ginawa. :D Dun ko nkuha sa www.bump-and-beyond.com. Pero mas popular ung liliypie.com. kaso ayoko lang ng madami akong kapareho hehe! Meron pang ibang sites like baby-gaga.com, tickerfactory, etc. Google for "baby tickers", dami lalabas. Tapos pili ka na lang ng feel mo. Hope I helped you even a bit :)
Thanks nga pala for posting the link for the doman method ha! I'll check it out later... :) Ingat! :) Title: Re: Ang galing! Post by: lila_and_mom on August 16, 2008, 01:06:40 AM thanks!!!
Title: Re: Ang galing! Post by: lyka on August 16, 2008, 10:39:20 AM Hi,
Hello!kakasign-up ko lang as new member. First time mom din ako. Yung baby ko 4 months pa lang.Na try nyo na ba yung little reader? Sinusubukan ko kasi i-download pero ayaw.Tulong naman pls. Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 16, 2008, 01:57:13 PM Hi lyka! Welcome to Brillbaby! :) San ka sa 'tin? :)
Anyways, here's the link to download the updated build... http://user.brillkids.com/login.php?HTTP_REFERER=https://user.brillkids.com/?tab=5 Click mo lang, then may mag-oopen na new window which prompts you to Open or Save. Choose OPEN. Eto ang matagal na part. Be patient lang. Nung una akala ko din walang effect e, pero nagcconnect pala. After this, may new window uli. Andun na yung Little Reader program. Right click, then Open. Tapos lalabas na yung Installer. Just follow the instructions, then that's it! You and your baby can now use Little Reader. Have fun learning with it! :) Title: Re: Ang galing! Post by: lyka on August 16, 2008, 06:23:38 PM Hello ulet,
Salamat. Try ko ulet. Taga New Manila kami dyan sa atin. Dito kami ngayon sa Honolulu. Title: Re: Ang galing! Post by: lila_and_mom on August 17, 2008, 05:55:58 AM welcome lyka! im glad dumadami na tayong pinay moms here. :)
Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 17, 2008, 10:21:04 AM Hello ulet, Kamusta lyka? Nainstall mo na ba ng maayos yung Little Reader? Nakatulong ba yung instructions ko? I hope so hehe! :D Salamat. Try ko ulet. Taga New Manila kami dyan sa atin. Dito kami ngayon sa Honolulu. Kelan pa kayo dyan? Yung family naman ng husband ko nasa Maui. Ilan na nga lang kami dito sa Pinas e. Baka binata na anak namin before maging current yung petition namin hehe! O cia, just ask na lang uli for help pag may questions ka. Basta ba kaya namin sagutin di ba? :) Ingat! :) Title: Re: Ang galing! Post by: proudMom2Eliam on August 17, 2008, 10:23:50 AM welcome lyka! im glad dumadami na tayong pinay moms here. :) Oo nga, katuwa! :)Tsaka dami na sagot nitong thread mo, yun sakin walang sumagot hihi! Ano sis, bat wala ka pang baby ticker siggy? :) Title: Re: Ang galing! Post by: haydee on August 17, 2008, 11:41:16 AM hello to all filipino moms, ako nga pala si haydee. i'm a fulltime mom staying here in dubai. thankful ako at nakita ko yung word na ang galing. sabi ko, pinoy to ah.
ang hirap kasi magpalaki ng baby dito, specially pag summer month. 15 mos na yung baby ko ngayon. most of the time sa house lang kami kasi mainit kaya yung mga activities naming 2 puro indoors. thanks nalang me brillbaby, kahit papano marami akong materials para ke liana. meron akong isusuggest na magandang site para sa mga babies nyo. www.storynory.com. instead of buying audible cd's downloadble ang site na yan, pati mga mommy mag eenjoy makinig ng mga stories. next time ulit. and sana tuloy tuloy ang ang pagsesend nyo ng mga messages. haydee Title: Re: Ang galing! Post by: lyka on August 17, 2008, 07:13:33 PM Hello,
salamat ulet. Naidownload ko na kahapon. Title: Re: Ang galing! Post by: ztea on August 20, 2008, 05:51:29 AM Hello sa lahat!
I'm so happy naman at napadpad ako sa website na ito. Maciado akong naexcite at kahit madaling araw na eh eto't gising na gising pa rin. I'm a first-time mom to a newborn baby and currently living in Orlando, Florida. Sabi sa site, as early as 4 months, pwede nang turuan ang baby. Gusto ko din matutong mag-Tagalog ang baby ko. Almost 2 months pa lang ang son ko at nung marinig ko ang first word niya last week eh parang na-excite na ako na turuan agad siya. I'm not a full-time mom pero gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Tubong Paranaque pala ako pero Laguna ang province ko. Title: Re: Ang galing! Post by: lyka on August 20, 2008, 06:53:28 AM Hi Ztea,
Pareho tayo sobra ako naaddict sa website na ito. Ilang linggo na ko madaling araw natutulog dahil dito. Tama ka exciting. Yung baby ko 4 months palang din. Dito kami sa Honolulu!Pero Taga New Manila kami sa atin. Title: Re: Ang galing! Post by: hannah_lii on September 27, 2008, 07:21:38 AM hello mommies!
newbie ako dito, kaka-signup lang ngayong araw. baby ko mg-3 months pa lang sa october, ang saya nga at nakita ko agad tong site na to. hala! puro download at print na agad ang ginagawa ko haha! nasa pasig kami ngayon, pero bago matapos ang taon baka nasa qatar na kami, andun kasi ang asawa ko :) Title: Re: Ang galing! Post by: bewitchersmom on December 07, 2008, 04:29:54 AM Hi..
Just new here kaka sign up ko lng 5mins ago.. :) Im a mom of 2 boys my eldest is 2 yrs old then yung youngest is 8months...hoping to meet new friends here..and also glad to learned bout this site.. Title: Re: Ang galing! Post by: Davonne on December 10, 2008, 05:50:21 AM Hi everyone!
Si Yvonne naman ako. First time mom to an 8 month old son. I'm uber excited teaching my baby. Yun nga lang, lahat ng flash card printouts..naku..gusto niyang kunin. He would be attentive at first pero after 1-2 minutes gusto niya siya naman humawak ng flash cards...tapos kung pwedeng sirain..sisirain niya na. How can you make it more fun para kay baby yung flash cards? Me and my family are based in Manila but we usually stay in Makati kase mas malapit dun yung work ni hubby. Title: Re: Ang galing! Post by: Lappy on December 10, 2008, 07:21:55 AM Hello everyone, lalo na sa mga bagong miyembro ng ating online Pinoy BrillKids parents! :happy:
Haha, Davonne, I can totally understand what you mean - karamihan din ng mga parents dito ay nagtatanong yan - alam naman natin na ang mga bata ay lovingly curious, at ang flash cards minsan ay madalas na i-grab at sirain! lol Marami tayong mga parents dito na nagsuggest ng lamination - pagkatapos na i-print out ang mga flash cards ay ipa-laminate ito, para madaling punasan at mas matibay. At huwag kalimutan na putulin ang mga matatalim na sulok (corner) para walang risk na magasgas si baby or si mommy! :yes: By the way, ako nga pala si Lappy - forum administrator at miyembro ng BrillKids, handang tumulong sa inyo kung may mga katanungan kayo. Sana ay dumami pa ang mga Filipino dito sa forum natin, hindi lang mommies kundi pati daddies na din - alam naman nating mga pinoy kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kinabukasan ng mga bata, and what better place to start than the home! :) Hope to see all of you around the forums! Lappy p.s. Ako din, taga-ParaƱaque dati at madalas sa Makati, but now living in HK. Miss ko na ang pinas, especially tuwing pasko - there's nothing like Christmas sa atin! lol Title: Re: Ang galing! Post by: nadia0801 on January 25, 2009, 08:10:27 AM Wow Lappy, I didn't know na Filipino ka pala! =) Mga moms, may interesado ba sa inyo na mag-swap ng home-made flash-cards para ating babies? My Cameron is only 3.5 mos old & super busy nko sa kakagawa ng flash-cards nya.
I'm doing all Doman's program (Reading, Math, E.K) kaya I'm sure you all know kung gaano ka-time-consuming gumawa ng cards =) Baka meron sa inyo gusto mag-swap in the future so we can save time making cards. LR is great but in places like the highchair, mall-trips, bath-room, flashcards are the only options kse. Let me know! Thanks! Title: Re: Ang galing! Post by: Lappy on February 27, 2009, 02:43:45 AM Hahaha, mukhang lumalaki na ang Filipino community natin dito a! :)
Welcome to all of our new moms, especially the ones who are living overseas! Mabuti na lang at nakasama kayo sa amin dito, at sana nageenjoy kayo sa mga ino-offer namin from BrillKids. :yes: :happy: Tumataba ang puso ko sa bawat pinoy na nagsa-sign up, so hopefully lumaki pa ang barkada natin dito! Sulatan niyo lang ako pag meron kayong tanong, and I'll be more than willing to help out! Cheers, Lappy Title: Re: Ang galing! Post by: nadia0801 on February 27, 2009, 10:17:11 AM Natuklasan ko itong website na ito nung 7-8 months pregnant plang ako. Sobrang laking tulong! Npaka-supportive ng mga tao kahit sa mga topics na hindi related sa Brillkids products. Napaka-swerte ko nga dahil bago pa ako nanganak, nakapag-plano na ako sa mga itututo ko kay baby! Salamat sa inyong lahat Brillkids!
Title: Re: Ang galing! Post by: Lappy on February 28, 2009, 04:34:54 AM Masaya naman kami na at least nakakatulong kami kahit papaano. :)
Brings me back to the days nung dati nagta-trabaho ako sa Summit Publishing at nagpo-produce ng Smart Parenting Seminars - and that was around 3-5 years ago na! lol I can't help but sometimes wish I could go back and bring BrillKids in person sa Pinas, I'm sure we can help a lot of other parents sa atin to learn more about teaching their babies. :yes: Title: bookk Post by: nadia0801 on March 11, 2009, 09:11:29 PM Sa Summit ka pla nagtatrabaho dati Lappy? I own a book titled "The Smart Mom's Guide to Pregnancy & Baby's First Year" (by Smart Parenting). Punong-puno ng helpful tips ito. Specially written for the Pinay moms. I love it!
Title: Re: Ang galing! Post by: Lappy on March 13, 2009, 03:05:15 AM Haha, I'm glad to know that Smart Parenting is still alive and strong sa Pinas! lol Masaya katrabaho ang mga tao sa Summit, especially the editors and the associate publishers, lahat mabait! :happy:
Maalala ko nga lang when I was working there, nagpo-produce pa kami ng events na Mother's Day beauty makeovers, and we were introducing the concept of multiple intelligence around 5 years ago. I think na malayo na ang nararating ng mga mommy sa atin, dahil mabilis matuto ang mga mommy, especially when it comes to their kids AND education (alam mo naman sa atin how big a deal education is diba!) lol Title: Re: Ang galing! Post by: seanhendrick on April 19, 2010, 09:13:25 AM more than a year na ang latest reply...pero reply pa rin ako.
Hello, ako po si Sharlene, tubong Bicol pero nagtatrabaho dito sa Bangkok. Kasalukuyan, ako ay 6 na buwang buntis at eto pasalamat sa site na to kasi marami akong natututunan lalo na sa pag-enhance ng katalinuhan ng isang sanggol.Whew! Hirap magTagalog ah..hehe. Medyo mahal para sa akin ang LR, kaya eto ako nagpprint ng mga flashcards at gumagawa na lang ng PP presentations para pag 4 months na ang baby ko eh, maipakita ko sa kanya. Sa tingin nyo ba, sapat na yon? O dapat tlga akong kumuha ng LR? Salamat sa magre-reply. Mabuhay po ang mga pinoy nanays! |