Ipinanganak ako sa Manila, at yung parents ko ay from Iloilo (mom) and Batangas (my dad.) I grew up in Parañaque, Pinoy through and through.
I moved here to Hong Kong when my husband and I decided to get married. Dito sa Hong Kong, marami rin tayong kababayan, although karamihan ay domestic helpers (magaling kasi ang domestic helpers na Filipino dito) marami ring mga professionals like me who have moved from the Philippines para magwork sa ibang bansa, depending on their field of expertise.
Just an aside, nagsimula kami ng programa kasa ng Bayanihan Centre dito at dahil ang asawa ko ay teacher, nagsimula kami ng programa na nagtuturo ng Ingles sa lahat ng interesado - nakakatuwa nga, kasi sinimulan lang namin ito nung nakaraang linggo, at marami na kaming studyante na nakasali (ang bayad kasi ay HK$20 lamang, bilang pambayad sa kuryente ng Bayanihan Centre). Natutuwa din kami na maraming mga teacher and sumama at tumutulong, mostly mga kaibigan namin na galing UK, Australia at US. Naisip kasi naming mag-asawa na gusto naming gumawa ng project to give back to our country, so we hope that this endeavor will continue to be successful.
Kayo, taga saan kayo?