hello danellie!
Pasensya na at ngayon lang ako naka reply.. natutuwa ako kapag nakikita kong dumadami na ang mga pinoy sa site at sa forums. sa pagka alam ko marami-rami na rin tayo dito kaya lang hindi masyadong active sa forums. pero na iintindihan ko naman kase nga mga mommy tayong lahat! hehe! maraming pinagkakaabalahan lalo na ang mga anak natin.
my baby is almost 16 months old and nag start ako using the little reader when she was 14 months old. before ko nakita yung site na to (by accident lang kase i was looking for information about early child education sa internet), nakapag start na akong mag turo sa kanya using flashcards. laking pasasalamat ko sa site na ito dahil mas pinadali yung pagtuturo, mas convenient and mas interactive kase nga may sounds and pictures and etc...
Tama ka mare, mas madaling matuto yung babies natin dahil sa LR. And tumpak ka sa sinabi mong masarap yung makitang natututo na ang mga anak nating mag basa sa murang edad nila.
Sana mag upload tayo ng mga tagalog category files. nakapag upload ako ng i think dalawa or tatlong categories -- vegetables transportation and insects in tagalog. gustong gusto ko talagang matuto si lila ng filipino/tagalog language.
ok hanggang dito na lang muna. i hope mas marami tayong bagong mapag uusapan and ma share dito sa tagalog message board..
sa uulitin!