I'm sure marami na nasa ibang bansa ang namimiss na ang pagkaing Pinoy.
Bagoong, chicharon, halya, puto't kutsinta, ginataan, tapa, daing, tuyo.... at marami pang iba.
Uy, the best nga pala ang tapa, daing, tuyo at bagoong dito sa Bataan.
Kung gusto nyong matikman, pasyal kayo minsan dito sa amin... Or kung may
budget, padalan ko kayo...hehehehe....
Nga pala, kilala nyo ba ang bidbid na isda? Isda sya na kapamilya daw ng bangus. Actually magkamukha sila.
kinakayod ang laman nito and good as giniling na pork. Lasang baboy in fairness.
Sa mga batang hindi kumakain ng isda, ito ang katapat.
Maraming pwedeng gawin sa kanya.
Pwede nyong subukan na gawin syang parang burger, sa halip na giniling na pork mas healthy ito.
Or pwede nyo rin subukan sa lumpiang shanghai.
Sa bidbid, maglagay ng celery, red/green bell pepper, egg, all purpose flour, salt, paminta ( yung McCormick masarap), konting Knorr Liquid Seasoning, ginayat na puting sibuyas at garlic ( optional) at hwag maglagay ng MSG.
Ibalot, i-fry... wow sarap!
Pwede ring gawing nuggets.
Haluan ng itlog, all purpose flour, ginayat na puting sibuyas ang bidbid, asin (optional), konting Knorr Liquid Seasoning (optional), at hwag maglagay ng MSG...
mag-lump ng kasing lagi ng nugget. ( manipis lang )Tapos palamanan nyo ng kaunting cheese sa loob.
Ibilot sa bread crumbs, ihulog sa binating itlog at muling ibilot sa bread crumbs.
Siguraduhing mainit na ang mantika bago ihulog at ipirito sa mahinang apoy. Papulahin lang
at pwede ng iahon.
Grabe masarap!
Tandaan lang na hwag masyadong maraming flour at kukunat!
Sa lugar nyo, anong pagkaing Pinoy ang 'the best'?